Eto pala yung tinatawag nilang dejavou.
Halos.
Halos dejavou.
Napilitan akong lumabas ng bahay para bumili ng yelo sa tindahan sa may munisipyo. Madilim dahil brownout. Nawalan ng kuryente sa di malamang kadahilanan. Katunayan, ganito na mula nung bata pa 'ko-brownout na hindi mo alam kung bakit.
Madilim sa daan sementadong tumatahak patungo sa sentro ng bayan. wala na rin halos tao sa kalsada dahil sa mga ganitong lugar, alas otso pa lang ay nasa loob na ng bahay ang mga tao. Muli ay lumakad ako sa sementadong daang araw-araw kong tinatahak nung bata pa ako; papasok sa eskwela, papunta sa simbahan o sa lumang palengke sa likod ng munisipyo.
Dejavou. Halos dejavou.

Andun pa rin ang mga bahayang wala halos pinagbago sa loob ng mahigit sampung taon. Parehong mukha, parehong pintura-nabago lang ang mga bakod.
O lumiit kaya? My lumiliit nga bang bakod? Ag dating bakod na mas matangkad sa akin ay hanggang dibdib ko na lang ngayon.
Ganoon din ang mga taong naging pamilyar sa akin mula sa aking kabataan. Nakagugulat isipin na maging sa pamilihang bayan ay sila at sila pa rin ang pamilyar na mukhang iyong makikita. Napatunayan ko ito kinabukasang nagkayayaang magpunta sa palengke para bumili ng sapin sapin.
Siya pa rin ang dating babaeng nagtitinda ng mga kakanin. Nagkaroon lamang ng dagdag na puting buhok ngunit parehong pareho pa rin ang kanyang hitsura at tindig. Nandoon pa rin ang magkapatid na aleng suki ni nanay sa karne ng baboy.
Pati si aling kuwan na nagtitinda ng bataw, sigarilyas at sitaw ay nandun pa rin at patuloy na humihiyaw sa palengke.
Kung bakit parang nakaramdam ako ng lungkot at pagkatuwa sa aking nakitang de javou. O halos de javou. Hindi ko maintindihan ngunit may magkahalong emosyon na nailagay sa puso ko.
Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sagot. Nais ko sanang maintindihan.

0 Responses to "Noon At Ngayon"