Homecoming

Halina't maglakbay Sa hardin ni Itay. Ang Papaya. Bow.

Ang Alamat ng Saging

Sabi ni Mark Lapid: "saging lang ang may puso".

Dito talaga ako bilib sa kalamansing ito. Siguro hindi lang higit sa sampung taon na buhay ang punong ito, pero hanggang ngayon, hitik pa rin sa bunga.

Di na pwedeng kainin kasi magulang na 'tong upo na 'to. Pwede 'tong pamalo na lang sa mga matitigas ang ulo.

At nagpakita ang haring araw.....

Sabi ni nana marta, Konsehal, di mo dapat itinabi yung mga patola sa tanim mong ampalaya. Tingnan mo yung patola nila neneng, itinabi sa ampalaya. Ayun, yung patola, hindi makain dahil sobrang pait. (Edi yung ampalaya, tatabang na, kasi mahahawa naman sa patola?)

-at pagbalik ng kamaynilaan, kasama na namin sa sasakyan ang mga hinog na papaya-

2 Responses to "Homecoming"

  1. I think it should read,"SAGING LANG ANG MAY PUSO!" :-)

  2. uy, thank you very much for the correction :)

    updated already :)

Leave a Reply